Ang Katotohanan Sa Bawal Na Gamot

Gamot.
Sa siyensa, ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito’y medisina upang madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay makapagbibigay sakit kapag inaabuso.
May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong na sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klasing droga. Iba’t iba sa kanila ay may iba-ibang dahilan kung bakit sila gumagamit nito. Kahit alam man ng iba na ito’y nakakasama sa kalusugan lalo sa katawan ay patuloy pa ring gumagamit. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan sa panahon ngayon dahil marami na ang masamang pangyayari na naganap sa lipunan tulad ng panggagahasa dulot ng paggamit ng ipinagbabawal ng gamot. Marami na ang nahuli sa ganitong mga gawaing masama at patuloy pa rin itong nangyayari hanggang ngayon.

Kinakailangan ang masu sing pagsusubaybay ng mga magulang sa mga anak para madaling malaman at mapigilan kung sila ba’y gumagamit ng bawal na gamot. Sa pamilya kadalasan nagsisimula ang pagkalulong ng mga kabataan sa bawal na gamot. Lalo na ang mga mahihirap na mga pamilya na madalas ay nag-aaway ang mga magulang dahil sa kakulangan ng pera para panggastos sa pamilya. Kaya ang mga kabataan ay nahuhumaling na pumasok sa iba’t ibang bisyo lalo na sa paggamit ng bawal na gamot dahil iniisip nila na mawawala daw ang problema kapag gumamit sila nitong bawal na gamot o droga.
Ang isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang nalulong sa bawal na gamot ay ang kapabayaan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Maaaring trabaho o negosyo lang ang palaging inaasikaso ng mga magulang at nawawalan na ng oras para sa kanilang mga anak.
Kung pababayaan lang ng mga magulang ang kanilang mga anak na malulong sa ipinagbabawal na gamot, maaaring ang mga anak nila ay magdudulot ng malaking puwerhisyo sa kanilang buhay. Ang mga gumagamit ng bawal na gamot ay maaaring matutong magnakaw, magsinungaling, agresibo o walang takot sa paggawa ng masama hanggang sa mawalan ito ng katinuan o mababaliw sa paggamit ng bawal na gamot.
Ang iba ay nagsasabing nakatutulong ang droga ara maibsan ang pangangailanagan. Pangangailangan sa tulog o marahil ay tulong para sa problema. Pero ganoon nga ba? Kadalasan ng hindi sinasabi ng isa ang nagiging unti-tunting negatibong epekto sa kanila ng isang bagay. Kaya karamihan sa kanila ay unti-unti na ring lumulubog sa masamang bagay na ito. Bakit pa kasi nasimulan? Ito ang kadalasang tanong ng mga ka-pamilya o marahil tanong ng mga nabiktima mismo. Maaaring buyo ng mga kaibigan, pagiging mausisa, o pagrerebelde. Pero sapat bang dahilan iyo para masabing wala siyang pagkakamali. Malamang na hindi. Likas sa atin ang pagkakaroon ng budhi at konsiyensya. Mahalagang malaman natin na higit sa lahat itong makatutulong sa atin. Bawat magnanakaw bago sila magnakaw ay nakaramdam ng binubudhi. Sa katulad na paraan, sa mga gumagamit ng droga ay tiyak na naranasan din nilang budhiin.
Hindi nila maaaring sabihin na hindi nila alam na mali. Pero bakit nila itinago ang paggamit nito kung hindi nga nila alam na ipinagbabawal ito? Oo, ang mga tao sa ngayon ay hindi sanay tumanggap at umamin ng pagkakamali nila. Pero dapat na hindi maging gayon ang isa. Sa paggamit ng droga ay hindi lang sumisira sa katawan, pag-iisip, o sa sarili mo. Kundi pati na rin sa buhay ng mga nagmamahal sa’yo. Hahayaan mo bang maging gayon ang kalagayan mo? Nawa’y hindi maisapanganib ang bawat isa sa atin sa paggamit nito. Bawat isa sa atin ay may kalayaang magpasya at magdesisyon. Ngunit hindi iyon dahilan upang gumawa ng mali at masama. May kakayahan din tayong umibig. At hindi natin dapat hayaan na mapalitan ng poot at galit ang pag-ibig na iyon dahil lang sa isang droga.
Paggalang sa buhay at sa minamahal. Kung ito ang ikikintal natin sa ating isipan minu-minuto, makasisiguro tayong makalalayo sa ipinagbabawal na gamot na ito, droga.

